![]() | ||
| BALITA Manga Fan Taro Aso, Magiging Bagong Punong Ministro ng Japan
Nakatakdang maging bagong Punong Ministro (Prime Minister) ng Japan ang dating foreign affairs minister at kilalang manga fan na si Taro Aso, matapos siyang piliin bilang bagong pangulo ng Liberal Democratic Party (LDP), ang partidong may hawak ng mayorya sa Parliament ng Japan.
Si Aso ang nakatakdang humalili kay Yasuo Fukuda, na nagbitiw bilang Punong Ministro sa simula ng buwan na ito. Inaasahang magkakaroon ng malaking epekto ang pagiging Punong Ministro ni Aso sa mundo ng anime and manga, kabilang ang Detective Conan. Matatandaan na noong siya ay Foreign Affairs minister sa taong 2007, ginamit nang husto ng kanyang kagawaran ang manga para maiparating ang kanilang mga mensahe sa publiko. Kabilang na dito ay ang paglalathala ng isang manga-format pamphlet na gumamit ng mga tauhan mula sa Detective Conan para maipahayag sa mga kabataan ang misyon ng kagawaran. Inaasahan na pormal na hihirangin si Taro Aso bilang Punong Ministro sa Setyembre 24 (Miyerkules) at bubuuin ang kanyang Gabinete sa mismong araw na iyon. Impormasyon mula sa: Anime News Network 0 Comments
Posted on 23 Sep 2008 by Jerome
Content Management Powered by CuteNews |
CONAN ADS | |